TRAVON ARTIAGA __ "Trey, paalam na at maraming salamat sa lahat. Nawa ay muli pa tayong magkita-kita," ani Mang Piping, isa sa pinaka-matatanda sa barrio, "Pasensya ka na ha. Pakiramdam kasi namin e matagal kaming nakulong rito. Kailangan naming sumubok naman sa labas. Baka sakaling gumanda naman ang buhay namin." Hindi ako sumagot. Hindi siya ang unang beses na nagpaalam na umalis. Hindi ko na rin mabilang sa mga kamay ko kung ilan. Marahan nitong tinapik ang balikat ko. "Hanga kami sa lahat ng nagawa mo para sa barrio natin, Trey. Siguradong ano man ang mangyari, ipagmamalaki ka ng mga magulang mo. Hanggang sa muli." Pinanuod ko lang na umalis ang mga ito. Pagkatapos nila mayroon na namang isang pamilya ang nagpaalam na aalis na. Ang iba habang pauwi ako ng bahay ay nakikita kong na