HELIX JACE SYJUCO __ "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni mom nang makauwi ako ng bahay. Lahat sila ay nakatingin sa akin na tila ba naghihintay ng sagot at tila kinakabahan sa ano mang sasabihin ko. Hinayaan kong kabahan pa sila sa ilang sandali. Gusto kong makita ang mga mukhang iyon. "Engaged na kami." Malakas nagsigawan at nagtatalon ang mga ito.q Agad rin namang nabuo ang ngiti sa mga labi ko. They looked so happy. Mom immediately hugged me ganoon din si Dad. Sumunod na si Ate at si Kuya. "Oh my gosh, I have to tell this to everyone," mom said excitedly. "Mom, baka tulog na ang mga tao." "No, I will tell everyone!" Hinayaan ko na along siya at sinundan ng tingin. Ate held my face. "Congrats, baby boy." "Congrats, baby bro!" ani Kuya at tinapik ang balikat ko. "Thank