ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ "Tay, si Trey ho?" nag-aalalang tanong ko kay tatay sa kusina nang gumising akong wala na ito sa tabi ko. "Hindi ba't katabi mo sa higaan?" I gulped. "W-wala ho siya roon, tay." Agad nitong ibinaba ang hawak na pinggan sa mesa. "Ano? H-hindi ko namalayang umalis siya." Nagmamadaling humakbang palayo si tatay at hindi ko maiwasang kabahan dahil ramdam ko rin ang pagpa-panic sa kanya. Tiningnan niya ang buong bakuran at hindi pa rin namin ito nakita. "Jusko... matigas talaga ang ulo ng batang iyon. Hindi pa magaling ang sugat niya. Dito ka lang, hahanapin ko siya." "Sasama po ako sa inyo, tay." "Siya, halika na at baka nakikipagbugbugan na naman iyon." Iyon din ang nasa isip ko lalo at ito ang klase ng taong hindi pumapayag nang hindi siya makakaganti. I