ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ Pinagmasdan ko itong unti-unting minulat ang mga mata niya. Napangiti ako nang tuluyan niya akong makita. "Happy birthday..." Agad itong masiglang bumangon at ngumiti nang makita ang dala kong cake. "Birthday ko ngayon, Nanay?" "Hmm-hmm... make a wish and blow the candle." Pinikit nito ang mga mata. "Sana dumating na si Tatay!" Unti-unting nabawasan ang ngiti sa mga labi ko at nakaramdam na naman ako ng kung anong tusok sa dibdib ko. Hinipan niya ang kandila at inangat ang magkabilang kamay niya sa ere. "Yehey! Thank you, Nanay!" Lumapit siya akin para yakapin ako. "You are welcome." We prepared a party for him pero magsisimula lang iyon pag-uwi niya galing sa klase niya. Pinakita ko sa kaniya ang malaking robot na regalo ko. Kailangan niya pa iyong b

