Gulat na gulat si Katarina nang mapagbuksan ang babaeng payat na payat na hilam ng luha ang mukha nito. Lalo pa siyang nagulat nang bigla na lamang yumakap kay Reden ang payat na babae. "Maureen," anang ng tinig ni Reden sabay kalas sa yakap ng babae sa kanya. "Anong nangyari?" maang na usisa. 'Maureen?' ulit ni Katarina sa pangalan ng babae na binanggit ni Reden. It sound familiar parang narinig na niya noon kay Reden rin. "Wala na siya, Reden, wala na ang anak ko," hagulgol ng payat ba babae. "Akala ko ba'y palabas na kayo at kailangan mo lang ng pera upang ilabas siya?" palatak ni Reden. "Oo, I mean, nilabas na siya ni Gilbert at hindi ko alam kung saan ko sila hahagilapin," bulalas ng babae. Nakamaang na lamang si Katarina sa tensyong hatid ng bagong dating na babae. Maya-maya ay