Pagdating sa bahay ng mga Lopez ay kapansin-pansin ni Reden ang pagkakaroon ng security guard na nagbabantay sa may gate dahilan upang mag-alinlangan siyang bumaba sa taxi. "Sir, bababa po ba kayo?" untag ng driver. "Oo pero pakihintay ako, huwag kang mag-alala at magbabayad ako," aniya sa driver saka lakas-loob na bumaba mula sa driver. Deretso siya sa may gate. "Anong kailangan mo?" tanong ng security guard. "Pwede ko bang makausap si Ma'am Katherine Lopez," aniya rito. Maya-maya ay tumawak sa maliit na radio na nasa gilid ng uniporme. Hindi nagtagal ay lumabas ang isang ginang na batid na mama ni Katherine kasunod ang isang lalaking nakauniporme rin. Napalunok ng sunod-sunod si Reden dahil halata sa mukha ng matanda ang pagka-istrikta. "Anong kailangan mo sa anak ko, lalaki? Per