Agad na naalala ni Donya Susana ang kasambahay na si Rosa sa binanggit ni Natalie. "Hinanap niyo pa ang anak ni Salvador para lang matupad ang kagagahan mo?" palatak ng donya na kinataas ng kilay ni Natalie. "Hindi kagagahan ang gustong magkaroon ng anak, mama," bara ni Natalie sa biyenan. Natawa ng bahagya ang donya. "Wow! Ano ang tawag doon, Natalie, ang makisiping sa anak ng asawa mo para lang matupad ang kagustuhan mo, in the first place you knew very well my son's situation pero nagpakasal ka pa rin dahil sa pera, hindi ba?" palatak ni Donya Susana. Noon pa man ay hindi na niya gusto ito para sa anak, para sa kanya isa itong gold digger na nais lang ang yaman ng anak. "Hindi totoo 'yan!" inis na tugon ni Natalie at umahon na s tubig, tinuyo ang katawan sa twalyang dala saka sin