CYRIA "Babe, gising. Tanghali na," narinig kong sabi ni Dawson na marahang tinatapik ang balikat ko at ginigising ako. "Hmmm, inaantok pa ako," nakapikit na sagot ko habang yakap ng mahigpit ang mahaba at malambot na unan. "It's late, aalis tayo para sa check up mo sa hospital today," marahang sabi nito kaya kahit inaantok at tinatamad ay nagmulat ako ng mga mata. "What time is it now?" paos na tanong ko. "Almost ten," agad na sagot ni Dawson. Late na nga, ang sabi nila kagabi, by nine o'clock kami aalis ngayong umaga. I'm sure, pinagbigyan nila akong matulog para bumawi ng lakas dahil nakita naman nilang dalawa kung paano ako napagod. "Si Zandro?" humihikab na tanong ko dahil hindi ko siya nakita. "Pumasok na sa opisina niya. May urgent meeting siya kaninang nine o'clock kaya hin