CYRIA Madaling araw na nang magising ako. Pakiramdam ko ay gutom na gutom ako at kumakalam pa ang sikmura ko. Dahan-dahan na inalis ko ang nakapulupot na braso ni Dawson sa bewang ko sa takot na baka magising ito at bumangon saka pagapang na bumaba ng kama. Nilingon ko pa ang dalawa na parehong mahimbing na natutulog at naghihilik pa si Zandro. Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at lumabas para pumunta sa kusina. Mabuti na lang at bukas ang ilaw kaya kahit first time ko dito ay hindi ako nahirapang hanapin ang kusina. Napangiti ako ng makitang may nakahanda na palang pagkain sa mesa pero natigilan ako matapos mapagtanto na 'di siguro nag-dinner ang dalawa. Mukhang gaya ko ay hindi na rin kumain sina Dawson at Zandro dahil walang bawas ang pagkain at hindi man lang nagalaw ang nak