CYRIA Masaya akong kasama ang dalawa dito sa isla. Para kaming bumuo ng panibagong mundo na para lang sa aming tatlo ng hindi iniisip ang kahit ano lalo na ang iisipin ng ibang tao. Isang linggo pa ang mabilis na lumipas at heto, walang araw na hindi ako nagbabad at naligo sa dagat. Isa ito sa naging favorite hobby kong gawin dito dahil napakaganda ng dagat at talagang nag-enjoy ako. Napatili ako ng mula sa ilalim ng tubig ay naramdaman kong may humawak sa binti ko. Nakalimutan ko na pareho nga palang swimmer ang mga kasama ko at sanay sa tubig kaya hindi challenge sa kanila ang mahanap agad ako ng sumisid ako papunta sa medyo malalim na bahagi ng dagat. Mabuti na lang at sanay akong lumangoy dahil isa ang swimming sa paborito kong activity kahit sa mansyon lang ako lagi naglalagi at