DAWSON Agad na tinawagan ko si Zandro na umuwi sa penthouse dahil kailangan kung puntahan si Lucille sa hospital at ayaw kong maiwan nang matagal na walang kasama si Cyria dahil na rin sa kondisyon nito lalo na at hindi pa tuluyang naka-recover sa sakit dulot ng droga na tinurok ni Juancho sa kanya. Critical daw ang kondisyon ni Lucille ayon na rin sa katulong na tumawag sa akin kaya kahit labag sa kalooban kong umalis at iwan si Cyria pansamantala ay ginawa ko para sa batang pinagbubuntis nito. Kagabi, nagbanta si Lucille sa akin na magpapakamatay siya kung hindi ko hihiwalayan at iiwan si Cyria gaya ng sinabi ko noong araw na pumunta siya sa reception nang kasal namin dahil galit ako noon sa asawa ko at walang balak magtagal ang kasal naming dalawa. That time, balak kong hiwalayan