CYRIA "Inaantok na ako, p'wede bang matulog muna?" tanong ko sa dalawa dahil pakiramdam ko ay ang bilis ng epekto sa akin ng alak na iniinom ko. Palibhasa hindi naman talaga ako sanay uminom gaya nila kaya nauna akong inaantok at pakiramdam ko ay hinahatak ako ng higaan para mahiga at matulog na. Minsan ganito talaga ang nararamdaman ko kaya bumabawi ako ng tulog dahil pakiramdam ko ay kailangan ng katawan ko lalo na at recently ay laging pinapagod talaga ako ng dalawang mahal ko. Siguro epekto na rin ito ng malakas na sêx drive ko recently lalo na at dalawa silang kinukulit ko. "Sure, love. Gigisingin kita later kapag dinner time na," malambing na sagot sa akin ni Zandro na inalis pa ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko. "I love you, love,