CYRIA Kahit paano naging maayos na ang pakiramdam ko matapos ang dinner namin. Sobrang attentive sa akin ang asawa ko habang si Dawson naman ay tahimik lang at alam kong nakamasid sa amin pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Medyo naiilang ako kung minsan, pero para bang sanay na ako. Iba kasi sa pakiramdam na nasanay na akong kami lang malimit ng asawa ko dito sa bahay at walang bisitang nakatira dahil kahit mga magulang niya ay never namang pumunta dito para dalawin siya at makilala kami ni Andrew tapos halos bilang lang sa daliri kung tawagan nila si Zandro. "Nahihilo ka pa ba, love?" mahinang tanong ni Zandro habang magkasalikop ang mga kamay namin na naka-upo dito sa lounge. "Hindi na, okay na ang pakiramdam ko," maikling sagot ko na ngumiti sa kanya. "Very good