CYRIA Naalimpungatan ako ng naramdaman kong bumuhos ang maligamgam na tubig sa katawan ko. Ngayon ko lang napagtantong wala na palang laman ang jacuzzi maliban sa hubad ko na katawan matapos na makatulog kanina dito. "I'm sorry kung nagising kita. Malamig na kasi ang tubig at nakatulog ka na kaya pina-drain ko na dahil baka lalong magkasakit ka kapag nagtagal ka dito," sabi ni Zandro na pumasok na rin dito sa loob ng jacuzzi para tulungan na magbanlaw ako. "It's okay, kaya ko na," sabi ko na akmang tatayo pero hinawakan niya sa balikat. "You seems so tired, Ria," sabi nito na tinitigan ako sa mukha. Napa-irap ako sabay buntong-hininga. "Paano akong 'di mapapagod, eh, para kayong 'di nauubusan ng energy?" nakasimangot na sagot, sabay abot ng shower holder na hawak niya. "Lumabas ka n