CYRIA Hindi ko alam kung paano haharapin si Dawson. I don't even know what to say at this moment dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magagawa nga iyon ng mommy ko. Never in my wildest dreams na iisipin kong kaya ni mommy na makasira ng pamilya para sa sariling interest niya lalo na at may anak siyang nasasaktan. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ko ang tungkol doon, dahil nakita kong masaya at nagmamahalan silang dalawa na isa sa mga naging dahilan para mangarap akong maghanap ng tulad ni daddy dahil nakita ko kung paano naging masaya ang kanilang pagsasama sa loob lamang ng napaka-ikling panahong kasama ko ang aking ina. Isipin ko pa lang na may isang Dawson na pinapanood akong lumaking masaya kasama si daddy habang siya na anak ay malapit lamang sa sariling ama per