Part 35 "Ang buhay ng tao ay parang isang laro, minsan ay nanalo, minsan natatalo, kung minsan naman ay pumapalya at nagkakamali. Pero kahit ano pa man ang mangyari ay magtutuloy tuloy pa rin ito hanggang sa umabot sa game over o yung pagtatapos," ang panimula ko habang nakatingin kay Robert at sa kanyang kapatid na noon ay nanonood ng live sa aking segment. Maagang nakakota ng kita sa boundary si Robert kaya naman maaga ring natapos ang kanyang trabaho. Gusto daw kasi nila akong mapanood ng live at makita kung paano ako naririnig sa iba't ibang lugar. Habang nanonood sa akin sina Robert ay nakangiti ito at nag thumbs up sa akin. Senyales na mahusay ang aking ginagawang panimula. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita, "Ngayon gabi ay isa na namang espeyal na segment ang ating mapapakinggan a