Part 18 “Maraming nakakapansin na masaya daw ako, hindi ko alam kung bakit ako masaya, basta ang alam ko lang ay dinadama ko ito habang nararamdaman ko pa. Anyway mga kaibigan huwag na natin pag usapan ang tungkol ang aking kaligayahan. Ngayon ay isa na namang espesyal na episode ang mapapakinggan dahil sa ating espesyal rin letter sender na tatawagin natin sa pangalang Aldrin, at narito ang kanyang liham,” ang wika ko habang nakangiti. Bago ko ito basahin ay tumugtog muna ang theme song ng aking programa, ang kantang ito ay talaga namang napasakit ko na rin at madalas na rin itong pina-play sa iba’t ibang time slot ng radio station. Dear Midnight, Hi. Ako nga pala si Aldrin, I want to share my experience before i graduated in high school here in GFNHS o GURO NASYON NATIONAL HIGH SCHOO