Part 16 Sa pagpapatuloy ng liham na ipinadala ni Edgar.. DJ Midnight, sobra akong nasaktan noong mga sandaling iyon, nakaramdam ako ng kakaibang kirot at sakit. Ngunit dahil hindi naman malinaw ang aming samahan ay wala akong magawa kundi ang panoorin sila mula dito sa malayo. Ang bigat ng pakiramdam ko noong mga sandaling iyon, para bang may nakadagang kung ano sa aking buong pagkatao. I'll never got a chance to confront him sa nangyare, sino ba naman ako? Hindi naman kami, ano ba naman ako sa kanya? Anong laban ko sa babae? Nagamit lang ata ako yun yung feeling ko that time. Panakip butas, pampalipas oras hanggang sa makahanap na ng bago. I really felt so used! 1 year akong palagi sya iniisip, ano ba yung naging mali ko? Ano ba yung kasalanan ko para saktan nya ako ng ganito? Ang naal