Part 44 "Robert! Lumaban kaaaa! Huwag kang susuko!!" ang sigaw ko habang umiiyak at nakatingin lang sa pintuan ng silid. Ang mga doctor ay gumagamit na ng defibrillator at sinusubukang ibalik ang t***k ng puso nito. Ako naman ay halos panawan na ng ulirat dahil kakaibang takot na nararamdaman. Mula sa tuwid na guhit ay unti unting nagkaroong pintig ang puso ni Robert, muli siyang nairevive ng mga doktor hanggang sa lumakas ang heart beat nito. "Stable!" ang narinig kong salita at dito nanghina ang aking tuhod at napaupo na lamang ako sa sulok. Noong mga sandaling iyon ay para lang akong nananaginip, parang hindi totoo ang lahat, nanghina ako at parang nasaid ang aking lahat ng enerhiya. Tahimik.. Makalipas ang ilang minutong pagdukdok ay lumapit sa akin ang doktor at sinabing, "mayroo