Part 41 "Magandang gabi po muli sa inyong lahat. Ngayon ay isa na namang espesyal na kwento ang ating maririnig mula sa ating letter sender na itatago natin sa pangalang Aubrey. Ang kanyang liham mga kaibigan ay nakalagay sa mabangong papel na may desensyo pa. Talaga namang ipinakita niya ang kanyang pagiging artistic at creative. Ang karanasan ni Aubrey ay nangyari noong siya ay 19 years old pa lamang at sa tuwing binabalikan niya ito ay halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman kaya't huwag na nating patagalin pa, narito ang kanyang liham," ang bungad ko habang hawak ang kulay pink na papel ng letter sender, may mga glitters pa ito at scented pa ang ginamit na tinta ng ballpen. Dearest Midnight, Isa po ako sa libo libong beki na humahanga sa iyo, kaya naman po nais kong ibahagi sa