Chapter 23 Dahil nahirapan sila Irene na makapasok sa bahay ng mga Cervantes, kailangan na nilang sirain ang gate ng bahay nito at pati na rin ang pintuan ng bahay, dahil wala ring sumasagot sa kanilang tawag mula sa labas, marami ring nagkalat na usisiro at usisirang kabit bahay sa bahay ng mga Cervantes. Pero pinalibutan naman ito ng yellow line ng mga pulis para walang makapasok sa hanay nila sa kanilang gagawing operasyun. Pagkapasok ng grupo ni Irene sa loob ng bahay, nakita nila ang walang malay na babae sa ibaba ng hagdan, agad nila itong nilapitan at nagkalat sila sa palibot, sa labas at loob ng bahay. Nang suriin naman ni Irene kong buhay pa ang babae, wala na siyang maramdaman na pulso, suniri naman ng ka trabaho niya ang isa pang walang malay sa itaas n