Chapter 21 Nagising si Charlotte dahil sa kakaibang ingay na naririnig niya mula sa ibaba ng bahay, nang idilat niya ang mga mata at pagsulyap sa pintuan, agad siyang bumangon nang makitang bahagyang bukas ang pintuan ng kanyang silid, umalis siya sa kanyang kama at lumabas ng silid, naririnig pa rin niya ang ingay mula sa baba na hindi naman niya mawari kong ano. “Gray,” tawag niya sa pangalan ng binata, nang makarating siya sa harapan ng silid ng binata at buksan ito, wala roon ang binata, kaya siya’y lumabas, naglakad siya ng naglakad hanggang sa magulat siya sa paawang nakasilip sa daraanan niya, pagkalabas niya, hindi niya inaakalang nakahiga roon si Tristan at walang malay, duguan pa ang mukha nito. Agad siyang kinabahan, pagsulyap niya sa hagda