Chapter 3

1227 Words
Chapter 3             Hindi pa rin makapaniwala si Charlotte na si Gray ang sunod niyang magiginh estudyante, para bang pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng tadhana, si Gray ang hindi niya gustong makasama sa kahit na saan o makausap at dahil isa siya sa mga umiiwas sa misteryosong binata.             Nakalapag sa lamesang nasa harapan niya ang form ni Gray na binigay sa kanya ni Ms. Ryza, nasa coffee shop siya ngayon ng kaibigan na si Karen, may iilang estudyante ng iba’t ibang paaralan ang nasa loob ng nasabeng shop dahil sikat ito sa mga estudyante, meron itong mga lumang gamit na naka-display sa loob, long play, lumang jukebox at iba pa at ito nga ang sinasabi nilang ‘old school.’             “Pansin ko malapit nang matunaw yang papel na tinitignan mo kanina pa,” anya ni Karen nang umupo ito sa harapan niya.             Nong mag-uwian galing sa paaralan ay agad siyang dumiretso sa shop ng kaibigan para makapag-isip kong anong gagawin niyang plano at kiniwento rin niya ito sa kaibigan nang dumating siya. Naging kaibigan niya si Karen simula noong grade 10 sa WA at mag-isa itong pinalaki ng nanay nito dahil bata pa lang ang kaibigan iniwan na sila ng ama.             Huminga ng malalim si Charlotte, “alam mo bumalik ka na lang sa trabaho mo, ayos lang ako dito,” wika nito sa kaibigan. Ayaw kasing makasagabal ni Charlotte sa ginagawa ng kaibigan at minsan kasi tumutulong ito sa shop bilang waiter.             Nag-poker face naman si Karen, “marami namang katulong si mama dito at saka sa lahat ng waiter ditto ako special, kailangan ko rin ng pahinga.”             Napangisi na lamang si Chalotte nang mapangisi sa sinabi ni Karen.             May kapayatan si Karen katulad niya, pero may mas maliit itong mukha, labi, ilong at bilugang mata. May mahaba itong buhok na medyo kulot sa dulo at kaya nagpapakamalan itong manikang buhaydahil sa sobrang ganda ni Karen.             “Alam mo wala tayong magagawa yan ang binigay sa ‘yo, alangan naman na umayaw ka, suntok din yan sa katotohanan na teacher sa school ang mama mo tapos hindi ka susunod sa pinapagawa nila sa ‘yo, magagalit sila at pag-uusapan ka na sa buong school year dahil sa gagawin mo,” hindi nagsalita si Charlotte at pinakinggan lang ang opinyon ng kaibigan, “alam muna man sa mundo ngayon, umayaw  ka man o hindi, gumawa ka man ng mabuti o hindi, palagi silang may ibabato sa ‘yong salita, alam muna man sa mundo na wala ka nang magagawang mabuti, lahat ng mata nakatingin sa ‘yo. Sa marami mong kabutihang nagawa hindi ka man lang nila pupuriin pero ‘pag nakagawa ka ng mali ng kahit isa lang lagot ka sa kanila. Hypocrite at its finest.”             Sabay taas ng dalawang kamay sa eri na para bang may maabot doon habang nakatingala. May ilang estudyanteng napapasulyap sa kanila dahil sa ingay ng kanyang kaibigan kong makipag-usap. Binaba ng kaibigan nito ang mga kamay at sumulyap sa kanya.             “Tama ka dyan,” saad ni Charlotte at sa tingin niya kailangan na niyang asikasuhin ang trabahong binigay sa kanya.             Habang sila’y nag-uusap, dumating naman ang isa nilang kaibigan na si Clarence, matangkad naman ang binata, may wavy itong buhok, palaging naka-fitted jeans, turtle neck na polo at animoy miyembro ng isang banda ngunit maliban sa itsura ng binata meron itong weirdong bagay na madalas gawin at kinahihiligan. Mahilig ito sa mga bagay na p*****n, dugo at mga kadiring usapan.             Katulad ni Karen, naging kaibigan ni Charlotte ang binata noong nasa grade 10 pa silang tatlo dahil magkakaklase sila. Kahit hindi na sila magkakasama sa kursong kinuha nila, magkakaibigan pa rin ang turingan nila sa isa’t isa.             “Hello mga babes,” bati nito nang umupo sa isa pang bakanteng upuan malapit kay Karen.             “Tumigil ka nga dyan sa tawag na yan,” reklamo ni Karen sa binata.             Magsasalita pa sana si Clarence nang makita ang form na nakaharap kay Charlotte, kinuha ng binata at tinignan ang nasa litrato. Bahagya itong nagulat at muling binalik sa lamesa.             Naalala ni Charlotte na art student ang kaibigan at gano’n din si Gray.             “Bago mong i-tutor?” Tanong ni Clarence kay Charlotte.             Tumango ang dalaga bago sumagot, “oo ang swerte ko,” sarkastikong sagot ng dalaga.             Nagkunwari naman na tumawa si Clarence, “alam mo bang classmate ko yan. Hindi ko nga alam na napunta yan sa klase namin, hindi nga yan nagsasalita o nakikipag-usap sa kahit kanino at alam mo bang maitsura siya. Gusto sana siyang lapitan ng mga b***h kaso tinitigan lang niya yong mga ‘yon, hindi na lumapit pa uli at natakot siguro.” Pagkikwento ng binata sa dalawang kaibigan sabay kipit-balikat.             “Wala namang bago eh, kahit nga ang mga bully sa school walang palag sa kanya at ang dark kasi ng aura niya. Pansin ba ninyo ‘yon?” Komento ni Karen.             Lahat ng mga pinagsasabi ng mga kaibigan ay pinapakinggan lang ni Charlotte at masyado na namang okyupado ang isipan niya ngunit sa pagkakataon na ito ay tungkol kay Gray gumugulo sa kanyang isipan sa mga oras na ‘yon. MGA sumunod na araw, hindi pa rin mawala sa isipan ni Charlotte sa Gray at hindi dahil sa hinahangaan niya ito. Gusto pa rin niyang makahanap ng paraan para makatakas sa trabaho niya, hindi niya alam kong bakit ba siya nagkakaganito ngunit siguro nasa isip na ng tao kong ayaw niya talaga sa isang bagay at kailangan niyang umiwas sa mga ‘yon.             Naglalakad siya sa papunta sa canteen para makipagkita kay Karen. Napadaan siya sa classroom ni Clarence, lahat ay nakikinig sa guro maliban sa isang estudyanteng nakatingin sa may bintana, si Gray. Mababa lang ang classroom at sarado ang mga salamin pero walang harang na kurtina, kaya kong may dadaan na ibang tao kitang-kita ito sa loob.             Hindi alam ni Charlotte kong saan nakatingin ang binata at nakapatong ang hood ng jacket sa ulo habang may nakasalpak na headseat sa magkabilang tenga. Agad na umiwas ng tingin ang dalaga nang alam niyang tumingin ito sa puwesto niya at bigla na lang niyang naramdaman malakas na kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Wala naman siyang ginawang kasalanan, hindi na siya nagpahalata pa at naglakad papasok sa gusaling ‘yon. Pagkatungong-tungo niya sa loob at agad na tumunog ang bell sa buong WA.             Hudyat na break time na ng mga estudyante, lumabas si Charlotte sa pinagtataguan niya, nakita niya ang mga naglalabasan na estudyante at sinilip niya ang mga lumalabas sa classroom nila Gray, nakita niyang unang lumabas ito saka lang nagsilabasan ang mga kamag-aral nito mula sa loob, agad siyang nagtago para hindi siya mapansin nang padaan sa kanyang puwesto si Gray.             Pero nang lumagpas na ito sa kanya, humarap siya kong saan naglakad si Gray pero laking gulat niya na nakatingin ito sa kanya, hindi siya maitago ang pagkagulat at katulad ng dati nakatago ang mga kamay nito sa bulsa ng suot na jacket.             Laking gulat naman niya nang may humawak na kamay sa balikat niya. Pagharap niya si Clarence lang pala ito, “anong nangyari sa ‘yo at namumutla ka?” Tanong nito sa kanya.             Sumulyap muli siya kong saan nakatayo si Gray ngunit wala na ito.             Iiling-iling na humarap muli si Charlotte sa binata, “wala naman, nagugutom lang ako.” “Halika na, gutom na rin ako,” sabay hatak ni Clarence sa kanya papasok ng canteen. Nagpalinga-linga si Charlotte kong na saan na ang binata ngunit hindi niya ito makita. Ramdam niyang may nakatingin sa kanya habang papasok siya sa loob ng canteen kasama ang kaibigan si Clarence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD