"Bakit ganoon, love? Masyado lang ba akong nag-assumed o ano? Sa buong pag-aakala ko ay siya ang unang makaunawa sa akin subalit kagaya ng kambal ko ay hinusgaan ako." 'Love, pagsubok iyan. Ngayon ka pa ba susuko? Ang tulad mo ang taong kilala kong isa sa pinakamatapang at pinakamatatag. Dahil ba sa paghusga ng nobya mo ay sumusuko ka na agad-agad?' "Hindi naman sa sumusuko ako, love. Masakit sa dibdib. Hindi ko kayang tanggapin na ang mahal ko sa buhay ang unang huhusga sa akin lalong-lalo na ang nobya ko. Ay higit sa lahat ay mayroon kaming anak." 'Love, wala nang ibang nakakaunawa sa iyo kundi ako. Ngunit dahil wala akong magawa ngayon upang tulungan ka ay ito ang masasabi ko. Bumalik ka sa kaniya, love. Kausapin mo siyang muli. Ipaliwanag mo nang maayos kung bakit hindi mo ipanaalam