"What?! Paano nangyari iyon?!" malakas na tanong ni Aries Theodore. "Tsk! Tsk! Ikaw na lalaki ka. Aba'y kung ako ang mabuweset sa iyo ay talagang sipain kita. Dapat nga ay ikaw ang magpaliwanag kung ano nga ba ang nangyari eh!" angil namang saad ni Victoria Katherine. Lumipas man ang maraming taon, nagkaroon ito ng sariling pamilya. Subalit ang ugali nito ay kailanman walang ipinagbago. "Aba'y, pinsan naman. Alam ko namang nauunawaan mo ako---" Subalit ang pahayag na iyon ni Aries Theodore ay hindi natapos. Dahil mas naging tigre yata ang kaharap. Siya ang lalaki sa kanilang dalawa subalit mas amazona ito. Nakaangil na nga ito sa kaniya ay sinabayan pa ng paghablot sa damit niya. "Makinig kang mabuti, Español! Pinsan at kadugo kita. That's undeniable fact! Subalit dahil din sa iyo ay