"SA palagay ko ay nararapat lamang na magkaroon ng bodyguards ang mga bata. Maaring lumaban at nakauwi ng matuwasay sina Marcus Tyler at Reign Tyler subalit hindi natun alam kung ano ang mangyayari sa susunod." Hindi niya alam pero natatakot din siya para sa mga apo. Paminsan-minsan na lang dumadalaw ang nga ito sa Amalfi at ganoon din silang mag-asawa sa Madrid. Wala namang problema sa pera subalit dahil na rin sa iniikutan nilang negosyo. Hanggat maaari pa naman ay ayaw niyang maranasan ng nga apo ang karanasan niya noong siya ang bata. Maaga siyang nakapatay dahil sa mga taong pumatay sa nakagisnan niyang magulang. Kaso napalalim yata masyado ang kaniyang pag-iisip dahil napakislot siya nang nagwika ang anak. "Noon pa sana, Daddy. Sabi nga ni Grandpa ay dapat lang na may bodyguards s