Keithe Matapos naming bilhin ang napagkasunduan naming playpen ni Reynard ay kaagad din namin itong ipinabalot sa kanila. Nafo-fold naman ang tent kaya no worries. Ang bagong babae ni Roland ang nag-assist sa amin na nagpakilalang Arriane, hanggang sa matapos kami. Mabait naman siya kahit may pagkamadaldal, masyado siyang honest. Nababahala naman ako para sa kanya dahil isang tulad ni Roland ang pinatulan. Hindi niya alam kung gaano karaming babae na ang dumaan sa mga kamay ni Roland at lahat 'yon ay tinitikman niya lang. Matapos niyang pagsawaan ay iiwanan na lamang niya basta na luhaan. Napahinga na lang ako ng malalim. I want to give her a warning but I don't want to interfere in their lives and in whatever relationship they have right now. Tsk. "P'wede bang pagsabihan mo 'yang pi