Keithe "Uhmm...R-Reynard, nalasing ka ba?" "No...uhmm..." Patuloy siya sa paghalik sa leeg ko kahit naririto pa lamang kami sa pinto ng bahay at binubuksan ko pa lang ang pinto. He was behind me and hugged me tightly. Humahaplos na at kung saan-saang parte na ng katawan ko nakakarating ang mga kamay niya. "You're drunk." Nagsisimula na ring gumapang ang kakaibang init sa katawan ko dahil sa ginagawa niya. Para bang ako ang nalalasing sa klase ng mga halik niya sa leeg at batok ko. "I want to have a baby too. Please, wife...hmm..." Gumapang ang mga labi niya patungo sa tainga ko at iyon naman ang kanyang pinuntiryang pinaghahalikan. "Hmm...k-kung bibigyan tayo, w-wala namang problema." Nahihirapan na akong magsalita dahil parang hinihila na rin ang katinuan ko sa mga ginagawa niya s