Keithe "Salamat po, Ma'am. Sa inyo pa rin po kami." "Opo, Ma'am. Siguro lingguhan na lang po kami uuwi sa mga pamilya namin." "Mahirap din po kasi ang maghanap ng trabaho ngayon, Ma'am." Nagkanya-kanyang kumento ang mga trabahador ko matapos kong ibalita sa kanila ang plano kong paglilipat ng factory at thankful naman ako dahil naunawaan nila ang desisyon ko. "All right. Thank you also for your understanding. By next week, we have a relocation schedule. Our new factory is currently being renovated. Mas malaki na iyon kaysa dito. Hindi na tayo magsisiksikan doon. Pati na rin ang magiging barracks niyo." "Naku, siguradong mas maganda doon, Ma'am." "Tama po. Mas maluwag na." "Saka po, mas marami ng tao doon. Baka po mas lumakas ang negosyo niyo doon, Ma'am." "I hope so. Thank you." I