THREE MONTHS LATER Keithe "Wife, are you sure you're okay? Manganganak ka na ba talaga o hindi pa?" Bakas ang hindi na mawaring pag-aalala kay Reynard habang nakatitig sa akin at habang hawak ang tiyan kong nananakit na. "Oo nga," mahina ko namang sagot sa kanya habang hawak ko naman ang balakang kong nananakit din. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa kotse sa backseat at bumibyahe na patungo sa hospital. Sobra akong nanghihina at antok na antok kahit gumuguhit ang sakit sa tiyan ko. Si Reynard naman ay nakayakap sa akin at patuloy sa paghaplos ng tiyan ko. "I just can't help being nervous 'cause you're not like other women who scream in stomach pain when they're about to give birth. Hindi ba sumasakit ng sobra ang tiyan mo?" "It hurts but I can handle it." I leaned against his c