Five Months Later Keithe "Surprise!!" Napatakip ako sa bibig ko nang mabungaran ko sa pinto ng silid namin ni Reynard sila Kaye at Sydney. "Seriously? Maybe you don't want me to give birth early," natatawa ko namang sagot sa kanila habang sapo ko ang malaki ko ng tiyan. "Inunahan ka lang namin. Baka kasi kami ang ma-surprise kung ano man ang madadatnan namin d'yan sa loob," sagot naman ni Sydney na tuloy-tuloy pumasok ng silid namin at kaagad na humilata sa kama. "By the way, where's your poging Mister?" "In the bathroom. Don't tell me until now you're still interested in my husband?" Napailing na lang ako sa kanya. Nakipagbeso-beso naman ako kay Kaye. Pinapasok ko na rin siya sa loob. "P'wede rin naman kung ibibigay mo siya sa akin." "You'd better leave voluntarily before I pus