DUMATING ang helicopter na hinihingi ng grupo ng mga rebelde at malaya itong nakaalis. Laylay ang mga balikat ni Kumander Allhe habang tinatanaw ang helicopter na papalayo. Hindi napansin niya ang pag-agos ng kanyang mga luha. Halos hindi niya matanggap na wala siyang nagawa para dalawang taong mahalaga sa buhay niya. Sobrang galit ang nararamdaman niya para kay Annie, at hinding-hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito. "Let's go!" At inalalayan siya ng Ama niya. "Gusto mo ba na diretso tayo sa hospital?" "Sa bahay na lang tayo, Pa." "Are you okay?" pag-alala nito dahil halata niya na malalim ang iniisip ng kanyang anak. "Hindi, Pa—" "Ate! Are you okay?" Halatang nag-alala ang kapatid niya. "Oo." Pagsisinungaling niya pero halata sa mukha nito na hindi siya okay. "Kumander, huw