SI doktora Sheann ay AB+ rin. Subalit hindi rin siya puwede dahil hypertension rin ito. "Sandali, pupunta ako sa kampo, baka may makuhanan tayo doon." mangiyak-ngiyak nitong sabi ni Mrs. Zoe. "Samahan ko po kayo," presenta ni Jacob. "Ako na ang sasama, dito ka na lang at samahan mo si Fabiano," tugon ng ama niya. "Hindi n'yo na po kailangang maghanap, blood AB+ ako," seryosong presenta ni Allhean at tumayo ito. Nagkatinginan sina doktora Sheann at ang kaniyang kapatid, mas lalo naman na humanga si Jacob sa kaniya. "S-sigurado ka? Handa mong dugtungan ang buhay ng aking anak kahit magkaaway kayo? Kahit pinakitaan kita nang hindi maganda?" Tila sinaksak nang paulit-ulit ang puso ni Mrs. Zoe. "Kung sila ay handang magbuwis ng buhay para sa taong mahalaga sa kaliya. Ako naman ay