SAMANTALA, mula sa ibabaw ng bundok ay natanaw ni Kumander Allhe ang maliit na kampo ng mga rebelde. Iilan lang kubo na nandoon na halatang pansamantalang kampo lang nila ito. Muli siyang bumaba kung saan naroon naghihintay ang kabayo. At ingat na ingat siyang umikot sa paanan ng bundok at mga kalahating oras bago siya nakarating sa likuran ng kampo. Itinago niya ang kabayo at naglalakad siya papalapit sa kampo. Humanap siya ng pagkakataon upang makapasok sa loob at mahanap ang kapatid niya at si Switlyne. Habang nakasandal si Kumander Allhe, ay biglang nararamdaman niya ang pagkirot ng kaniyang sugat. Dahan-dahan siyang umupo sa lupa at kinuha niya sa bulsa ang isang bote ng anesthesia at muli nitong tinurukan ang gilid ng sugat niya. Sa mga oras na iyon ay palapit naman nang palapit s