TUMANGO-TANGO si CGPA. Sirocco, bilang pagsang-ayon sa sinabi ng anak niya. Agad tiningnan ni Kumander Allhe ang mapa ng buong kampo at academy. Pinag-aaralan niya itong mabuti kung ano ang magandang gawin, "Hindi natin alam kung kailan sasalakay ang mga kalaban kaya kailangan na lagi tayong alerto," pahayag ni CGPA. Sirocco. "May naisip akong patibong, Pardus Force, dating plano!" "Yes Kumander!" Ang tinutukoy na patibong ni Kumander Allhe ay mga ginagawa nila sa baryo. "General, kailangan natin ang ang tulong ng ibang mga estudyante." "Sige, ipatawag ko ngayon sina; Master Sergeant Romo Lerio, at si Sergeant William Hacut," tugon ni CGPA. Sirocco. "Jacob, mas mabuti kung kayo ni Jase ang personal na pupunta sa address. Isama mo rin sina; Master Sergeant Romo Lerio, at si Ser