NAKATALIKOD ang lider ng mga rebelde kaya hindi niya napansin ang pag-atake ng isang hindi kilalang babae. Nagulat na lang siya nang bumagsak ang kanilang bandila sa lupa, matapos itong tagain. Nang umikot ang lider ay agad kinumpas ni Kumander Allhe ang mahabang itak. Nakatayo pa rin ang lalaki subalik humihiway ang ulo nito sa kanyang katawan. Gulat at tulala ang miyembro ng mga komunista nang makita nilang gumulong sa lupa ang ulo ng kanilang lider. "Dalawa lang ang puwede ninyong pagpipilian, sumuko o ang matulad sa inyong lider!" Walang takot na banta ni Kumander Allhe sa kanila. Halos hindi naman makakilos ang mga rebelde sapagkat nakatutok sa kanila ang mahahabang armas ng mga militar at idagdag pa ang scorpion tank na nakaharap sa kanila. Ang kaganapang iyon ay nakunan ng foota