Sa sumunod na araw ay nagising akong may natanggap na message mula kay Iñigo. I opened it and it was a simple 'Good morning' text from him. Isang tipid na ngiti ang kumurba sa labi ko. I replied, at bumangon na ng tuluyan. Naghanda na ako para sa trabaho. I was putting on my usual everyday makeup when my phone beeped for another text message. Huminto ako sa ginagawa saglit para mabuksan 'yon, and was greeted by Iñigo's messages. May mga nauna pa siyang texts na hindi ko na na-reply-an kanina dahil abala sa pagbibihis. Binasa ko ang bago niyang mensahe—lunch later? I sighed. Nilapag ko muna ang telepono at tinapos ang pag-l-lipstick habang nag-iisip. Hindi naman ako abala talaga sa araw na 'to. And of course I have time for lunch. Ni-reply-an ko na nang okay. Kaya muli niya akong sinu

