Natalia. Lakad takbo ako para maabutan si Iñigo kahit pa mahirap dahil karga ko si Theo at may hinihilang luggage. "Iñigo!" I was calling his name. Huminto siya na palabas na nang tuluyan sa airport. Kita ko ang likod niya at unti-unti siyang lumingon. Nag-init ang puso ko at ang mga mata sa luha nang magtagpo ang mga mata namin sa kabila ng dami ng tao. Ang pinaghalong gulat niya at pagkalito ay unti-unting naging ngiti habang palapit siya sa kinatatayuan naming mag-ina. Mabibilis ang mga hakbang niya palapit sa amin. "I-Iñigo," nanginig ang boses ko. I shook my head. "hindi na kami aalis..." He smiled wider, sa kabila ng pangingislap ng mga mata sa nagbabadyang luha. Kinuha niya sa akin si Theo at hinagkan ang anak namin. My tears fell na agad ko rin pinunasan. I laughed a bi

