CHAPTER 54 Hindi sinagot ng binata ang kanyang tanong. Ang mga mata nito ay patuloy lamang na matamang nakatitig sa kanyang mukha. At halos gusto na niyang mailang sa ginagawa nitong paninitig. Bigla tuloy siyang napaisip kung ano ba ang kasalukuyan niyang ayos. Did she look alright? Maayos ba ang hitsura niya sa pagharap niya dito? "A-Ano ang ginagawa mo dito. . . V-Vincent?" ulit niya pa sa kanyang tanong. Ngunit katulad kanina ay hindi ito kumibo. Ni hindi ito umimik. Ni hindi rin nito iniiwas ang mga mata sa kanya na ngayon ay patuloy pa rin na nakatunghay sa mukha niya. Hanggang sa mayamaya ay bumaba ang mga mata nito sa kanyang kabuuan. She is only wearing a bathrobe at tanging undies lamang ang nasa ilalim niyon. Nakita niya pa ang pagdikit ng mga kilay nito habang nakatingin sa