CHAPTER 57 "Are you alright, love?" malumanay na tanong ni Vincent sa kanya matapos maganap ang mainit na tagpong iyon sa pagitan nilang dalawa. Marahan na naimulat ni Ysabella ang kanyang mga mata nang marinig niya ang nag-aalalang tanong na iyon sa kanya ni Vincent. Nakita niya ito na mataman na nakatunghay sa kanyang mukha. Wari ba ay sinisiguro pa nito na ayos lamang ng kanyang lagay. Ang isang kamay nito ay nakatukod sa may kanyang ulunan habang ang isa naman ay masuyong ilinalagay sa likod ng kanyang tainga ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing na sa kanyang magandang mukha. Then, he caressed her cheek softly. Tipid siyang ngumiti dito nang matamis saka muli ay ipinikit ang kanyang mga mata. The pain that she felt a while ago has somehow subsided now. Though the discomfo