CHAPTER 52 "Hindi kaya nagpapadalos-dalos ka lamang sa pasyang gagawin mo, hija? Baka naman nadadala ka lamang ng panibughong nadarama mo sa ngayon." Bigla ay napaangat ng kanyang ulo mula sa pagkakayuko si Ysabella nang marinig niya ang tanong na iyon ni Menard. Mataman lamang siyang napatitig sa mukha ng kanyang tiyuhin. Ni wala siyang maapuhap na isagot dito. Nanatili lamang siyang tahimik. Matapos ang naging pag-uusap nila ni Luis kanina ay ito naman ang sunod na tinawagan niya. Binanggit niya dito kung saang hotel siya naroroon sa ngayon. Laking gulat at pagtataka pa nito kung bakit niya kinakailangan na pumunta sa lugar na iyon at hindi na lamang bumalik sa restobar nito. Ilang minuto lang ang lumipas matapos niya itong tawagan ay agad na siyang pinuntahan ni Menard sa hotel na k