CHAPTER 50 Matulin na lumipas ang ilan pa na araw. Ilang linggo nga matapos nilang pumunta ng Manila ay ikinasal si Beatrice sa lalaki na nagngangalang Paul Velasquez. Isa din itong businessman at nagmamay-ari ng isang kompanya katulad ng mga Olvidares, ang Health Well Company. Katulad ng Olvidares Manufacturing Corporation ay mga gamot din ang produkto nito. The wedding that happened between Paul and Beatrice was so simple. Tanging ang mga malalapit lamang na kamag-anak ng mga kinasal ang mga dumalo. Sa kabila ng karangyaan na tinatamasa ng dalawa ay payak lamang na seremonya ang nangyari sa kanila. At iyon ay ayon na rin sa kagustuhan ni Beatrice. Ramdam na ramdam ni Ysabella ang hindi nito pagsang-ayon sa ideya na maikasal sa binatang negosyante. Nevertheless, the wedding still happen