EPILOGUE PAGLIPAS NG LIMANG BUWAN: Matapos ang mga nangyari sa kanilang buhay ay unti-unti nang bumalik sa normal ang lahat sa kanila. Sa San Sebastian na lamang sila nanantiling mag-asawa para pamahalaan ang dalawang rancho na magkatabi--- ang Rancho Olvidares at ang Rancho Estrella. Magkatulong silang dalawa ni Vincent sa pamamahala upang higit na pagyamanin ang dalawang lupain. At dahil sa magkatabi lamang ang mga ito ay madali lamang para sa kanila ang gawin iyon. Mistula na ngang naging iisa ang dalawang rancho sapagkat maging ang mga tauhan nila ay kapwa naging malapit na rin sa isa't isa. Sa pagitan naman nilang dalawa ni Vincent ay wala nang may mahihiling pa si Ysabella. The happiness that she was feeling right now with her husband can't be compared with any material thing in