UMINIT ang ulo ni Rebecca dahil kay Syrel. Alas-otso na ng gabi ay wala pang nalulutong pagkain. Pumasok siya sa kusina at nag-ihaw na lang ng isda at nagluto siya ng instant soup. Hindi puwedeng dumating ang mga magulang nila na wala pang nalulutong hapunan. Nakaluto na siya bago pa dumating ang mag-asawa. Inihain niya sa lamesa ang mga pagkain. Pumuwesto na ang mga ito. Lumapit na rin si Syrel at umupo sa katapat niyang silya. Ginamit nito ang paboritong upuan ni Symon. Malagkit ang titig nito sa kanya habang kumakain. Talagang ayaw siya nitong tantanan. “Bakit ito lang ang ulam?” tanong ni Riegen. “Hindi pa ba umuuwi si Symon?” tanong din ni Melody. Si Syrel ang sumagot. “Busy kanina ang cook natin kaya gahol na ang oras sa pagluto. Malamang busy rin si Kuya,” sabi nito. Tiningnan

