MAAGANG nagising si Symon dahil sa pagtawag sa kanya ni Syrel. Naramdaman niya ang aura nito. Pinuntahan niya ito sa academy. Nasa clinic pa rin ito at nagpapahinga. Naturukan na ito ng vaccine pero hindi pa tuluyang humihilom ang sugat nito. Naroon si Dylan at Alessandro sa tapat ni Syrel na nakahiga sa stretcher. “Hindi ko inasahan na mayroon ding virus ang kuko ng isang first-class hybrid,” sabi ni Alessandro. “It’s from their saliva and thirst. Nagmo-moise ang balat nila lalo kung nati-tense sila o mainit ang katawan. Naglalabas ng liquid ang katawan nila sa balat na napupunta rin sa kuko,” sabi ni Dylan. “You’re right. Kaya delikado sila,” sang-ayon ni Alessandro. “Kinaya ba ng vaccine ang virus?” tanong naman niya. “Tumalab naman. Kaunti lang naman ang virus na nasa kuko hindi k

