What now?
Nayayamot na si Nathan. Is this really happening? Kulang na lang ay iuntog ang sarili niyang ulo sa isang malaking bato na nasa kaniyang tagiliran. Hindi na niya gusto ang mga nangyayari. Hindi niya gusto ang mga nangyayari kapag wala siyang plano o kahit na anong pattern na dapat niyang susundan. He hates unplanned things and events. And he begins to loathe what is actually happening now.
"Kailangan niyo nang tumakas," sugestiyon ng isa sa mga kambal. "Magpapaiwan kami ni Egor upang magmatyag at maghanap ng mga kakailanganing impormasyon ng reyna."
"Habang may nalalabi pa tayong oras, kailangan nating gamitin ang bawat segundo. Kailangan nating iligtas ang Wonderland. Kailangan nating iligtas ang reyna."
"Hindi niyo na ako kailangan pang alalahanin. Kaya ko ang aking sarili,"sabat ng reyna, na dinaig pa sa yelo ng Antarctica ang panlalamig nito. Ramdam nilang lahat ang pagmamatigas ng reyna.
Hindi lang si Nathan ang nakasimangot, kundi na rin ang magkambal na sina Egor at Agor. Hard-headed queen. But what can they expect to a queen like her? At isa pa, hindi lamang siya basta-basta reyna. She can fight for her life. She has powers. She is good, yet selfish. Parang gusting maniwala ni Nathan na nagsasayang lamang siya ng oras sa babaeng ito.
"Paano ang mga nasasakupan mong iba? I'm sure, hindi lang ang kambal na 'to ang natira rito!" he protests. "Kung kaya mo ang ýong sarili, paano naman ýong mga hindi kaya?"
"Let them die in here," malamig ng tugon ng reyna. "Matagal ko nang sinabi na umalis sila sa lugar na 'to. If they can't obey my order, then let them die."
Natanga si Nathan sa sagot nito. Hindi niya in-expect na ýon ang magiging reaksiyon nito sa kaniyang mga sinabi. Kahit ang kambal ay nakatingin lang sa reyna. Hindi niya mawari kung nawalan lang ba iyon ng emosyon, o sadyang nakasayan na nila ang malamig napakikitungo nito sa kapwa.
"Let them die." She utters again, without having any guilt in her eyes.
"Damn it!" Hindi na mapigil ni Nathan na ikuyom ang kaniyang mga kamao. He was cruel before, pero hindi naman ganito katindi. He still had a heart... "Stop acting like a fool. They need you!
"You have no right to interfere with my duties, stranger. I am the queen."
"f**k!"
"Sigawan mo pa ang aming reyna, hindi kami mag-aatubiling kalabanin ka."
Nathan is shocked. Siya na itong gustong tumulong, siya pa ang nagmukhang tanga. This is stupid and crazy.
"Hayaan mo na lang siya. Hindi siya ang ating kalaban. Mayroon pa tayong misyon na kailang tapusin."
Muling napalingon si Nathan sa reyna. His eyes are filled with disgust.
"You're insane. It's a shame that you're their queen and you don't have a heart to protect your own people." Punong-puno ng pagkadismaya ang boses ni Nathan na wala man lang kagatol-gatol habang binibigyas niya 'yon.
"Hindi ko kailangan ang iyong opinyon. Hayaan mo silang mamatay kung iyon ang kanilang kagustuhan."
At talagang pinagdidiinan pa ng isang 'to ang naging desisyon. This woman has no heart. He wonders, kung may puso ito noon o sadyang pinanganak na itong ganito.
Ano ba ang in-expect niya sa isang reyna ng Wonderland? Base sa korona nito naka-tattoo na naman sa noo, ang Red Queen ang kaniyang kaharap.
"Lapastangan!" sigaw na naman ng isang kakambal. "Binalaan ka na namin. Dapat mong igalang ang aming reyna!
"Ikaw ang manahimik." Mas tumataas na ngayon ang kaniyang boses."Are you stupid? Pilit niyong pinuprotektahan ang isang reyna na wala man lang pakialam sa inyo? Ganito na ba katanga ang mga nilalang dito sa mundong ito?"
Imbes na matatauhan sa katangahan, isang napakalakas na suntok ang natamo ni Nathan sa kaniyang kaliwang bahagi ng mukha. Bahadyang malakas ang puwersa na iyon at kamuntik pa siyang mawalan ng balance. Lumingon si Nathan sa pagmamay-ari ng kamao na iyon, at walang pag-alilanlangang sinugod ang isa sa mga kambal.
Isang suntok sa panga ang natamo ng kakambal. Sa lakas ng kaniyang pagsugod, napaupo ito sa lupa. Mas nagiging intense pa ang lahat nang sipain naman si Nathan ng isa pang kambal mula sa likuran. Natumba siya. Na-out of balance. Mas Lalo siyang nainis nang mapansin ang mantsa ng kaniyang damit dulot ng maputik nalupa.
"Hindi ako umaatras sa isang hamon!"sigaw ni Nathan.
Alerto si Nathan na pinagmamasdan ang magkambal na parehong naiinis na rin sa kaniyang inaasal. Pero masisisi nga ba siya?
"Tama na 'yan," mahinahong utos ng reyna. "Nag-aaksaya lang kayo ng oras."
"Estranghero!" singhal nang nakasuntok sa kaniya. "Magpasalamat ka at pinatigil tayo ng reyna. Hindi pa tayo tapos."
"Yeah. Yeah." sarkastiko niyang tugon. f**k this people. f**k this world.
Walang imik na naglalakad si Nathan papalayo sa tatlo. Hindi man lang niya inalintana ang pagkawala ng kakayahang magteleport pabalik. It sucks, but he will find his way. At isa pa, this isn't the first, na nakarating siya sa mundong 'to.
"Kailangan ka ng reyna! Huwag mo siyang iwanan!"
Hell.
Hindi niya kailangang tulungan ang isang reyna na makasarili -- mas makasarili pa sa kaniya noon. Wala siyang mapapala kung tutulungan niya ang babaeng katulad nito. Hindi siya huminto. Hindi siya lumingon. Ni hindi na niya pinakinggan pa ang sunod-sunod na pagtawag ng mga ito sa kaniya.
They can play their own games all they want, as long as he is not part of it. Besides, he is not actually part of this. Nadamay lang siya, Extra lang.
No more.
No less.
Or is it?
****
Nakatingin si Xoria sa lalaking naglalakad papalayo sa kanilang gawi. She knows that he is really pissed off. Base lamang iyon sa napapansing pagkilos nito. She wishes she can feel. Kahit galit, o pagkayamot, o kahit anong emosyon na pwede niyang maramdaman.
But there is none.
"May nasambit ba akong hindi maganda?" tanong niya sa isa sa mga kambal.
Napabuntong-hininga si Xoria. Palagi na lang ganito ang eksena at talagang nakakasawa na. People leave. People leave her with ferocious eyes. Just like him.
"Wala ka pong kapintasan, mahal na reyna."
"Tama si Egor, mahal na reyna. Para sa amin. ikaw pa rin ang perpektong reyna ng Wonderland at kahit na kalian ay walang makakapantay sa 'yo."
"Balita ko...isang magaling din na reyna ang nasa Yuteria ngayon." Habang binabanggit ng reyna ang Yuteria, ang kaniyang pokus naman ay nasa lalaking naglalakad papalayo. "Habulin niyo siya. Kailangan ko ang lalaking iyon. Kailangan ko ang kaniyang kapangyarihan para sa Wonderland. Magagamit natin siya."
Tumango ang dalawa at sinundan na ang nagwalk-out.
Cloud seems common in a way that nothing seems new. Dead air. Lifeless home. Things are getting worst. Hindi alam ng reyna kung alin ba ang tama o mali sa isang desisyon, pagdating sa emosyon.
Sa Yuteria ang kanilang susunod. Nandoon ang isang sagot na kaniyang kakailangan upang makompleto ang kaniyang misyon.
Ang reyna mismo ng kaharian ng Yuteria.
Ang Reyna Snow White.