Sa malamig na simoy ng hangin, napaluhod si Nathan sa kalagitnaan ng hardin. Ang matingkad na kulay berdeng likido na bumabalot sa katawan ng reyna ng Yuteria ang siyang nagpabaliw sa kaniya ng husto. Napaluhod. Hindi makapagsalita. Nakapokus ang kaniyang paningin sa babaeng dilat na dila pa rin ang mga bata kahit nalagutan na ito ng hininga. Hindi ito maaaring mangyari. Parang katulad noong una, bakit pareho pa rin ang katapusan? Magkaibang senaryo subalit magkapareho ng impact sa buo niyang pagkatao. Hindi . . .hindi ito katulad noong una. Hindi ito magiging katulad no'ng una. Hindi katulad ngayon, may taong tanggap siya, bilang siya nang walang halong ilusyon at salamangka. Snow White loves him no matter what he is. Nathan immediately runs towards his little sister. Gusto niyang s