Hawak ni Ysha ang susi ng kadenang nakakabit sa paa niya. Nakatitig siya doon na hindi makapaniwalang makakatakas na siya sa impyernong silid ng hari kung saan siya ibinilanggo ng dalawang buwan. Naghihintay na lang siya ng tamang oras. Kahit naiinis siya kay Shantal ay maganda parin ang plano nito. Saka lang siya tatakas kung abala na ang lahat ng mga tao sa buong palasyo. "Luna." Nagulat pa siya ng hindi napansin ang pagpasok ng lota. Mabilis na itinago niya ang susi sa ilalim ng unan sa tabi niya. "Ano iyon, Lota?" Tanong niya na kumilos na parang walang itinatago. Kahit na nakaramdam siya ng kaba na baka nakita ng lota ang susi na hawak niya kanina. "Nagpadala ang haring Alpha ng damit para sa isusuot niyo mamaya." Sagot ng Lota ng makalapit. Hila ang hangeran ng damit at inilag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


