“LIMANG taon Isla, sinubukan kong ilapit sa iyo ang sarili ko. Ginawa ko ang lahat. Pero bakit si Vincent?” puno ng hinanakit ang tinig na binanggit ni Randy. Noon nagyuko ng kanyang ulo si Isla saka nagsalita. “I’m sorry,” iyon lang ang naisip niyang sabihin. "Don't tell me…" Ilang sandali pagkatapos niyon, she decided to meet the young man's gaze. Tumango si Isla. “Siya ang Papa ni Matthew,” paglilinaw niya nang makita ang paghihilang rumehistro sa mukha ni Randy. “Kapag sinuswerte ka nga naman,” ani Randy. Naramdaman ni Isla ang bitterness na kalakip ng sinabing iyon ng binata. At nanatili iyon nang muli itong magsalita. "Do you still love him?" muling tanong sa kanya ni Randy nang manatili siyang tahimik. Nagbuntong hininga muna si Isla bago nagbuka ng bibig para magsalita. “Mu