NARINIG nila ni Vincent ang paanan ng kama ng hindi namamalayan. Inihiga siya sa kama ng kanyang asawa habang patuloy pa rin ito sa malalim nitong paghalik sa kanya. Nang hilahin pababa ni Vincent ang suot niyang pajama bottom ay agad na naramdaman ni Isla ang pagsidhi ng pananabik na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi iyon ang unang pagkakataon na gagawa sila ng ganito ni Vincent. Subalit tuwing naiisip niya kung gaano kaligaya at kasarap ang alam niyang pwede at napipinto niyang maramdaman anumang sandali mula ngayon ay hindi niya mapigilan ang maghangad sa paraan na tila ba hindi na siya makapaghintay. “Kahit ano pa ang isuot mo walang problema iyon sa akin, sweetheat. Sa totoo lang ay hindi maaapektuhan ng mga telang nakabalot sa katawan ang tindi ng paghahangad